Pangulong Duterte tanging si Mayor Inday Sara lang ang iboboto sa Mayo 9

By Chona Yu April 05, 2022 - 08:26 AM
Tanging si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte lamang ang iboboto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa eleksyon sa Mayo 9. Pahayag ito ni Pangulong Duterte sa pagbisita sa mga evacuation center sa Batangas. Ayon sa Pangulo, wala siyang ibang iboboto sa eleksyon kung hindi ang anak lamang na si Mayor Sara. Paliwanag ng Pangulo, patapos na ang kanyang termino kung kaya wala na siyang susuportahan na ibang kandidato. Una rito, kinumpirma ng Palasyo na nagkaroon ng pagpupulong kamakailan sina Pangulong Duterte at ang ka-tandem ni Mayor Sara na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Pero sa kabila ng pagpupulong, sinabi nito na hindi niya iindorso si Marcos. Ayon sa Pangulo, Neutral siya sa mga kandidato sa pagkapangulo.

TAGS: eleksyon, Mayo 9, mayor inday sara duterte, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, eleksyon, Mayo 9, mayor inday sara duterte, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.