Legarda, nanguna pa rin sa senatorial survey ng OCTA Research

By Angellic Jordan April 04, 2022 - 01:27 PM

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Nanguna pa rin ang kumakandidatong senador na si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa OCTA Research senatorial preference para sa nalalapit na May 9 elections.

Sa survey noong March 5 hanggang March 10, 2022, nakakuha si Legarda ng 69 porsyento sa mga respondent, sumunod si dating DPWH Sec. Mark Villar na may 66 porsyento at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na may 65 porsyento.

Aabot sa 1,200 respondents ang nakilahok sa naturang survey.

Bukod sa OCTA Research, nanguna rin si Legarda ang sa Go Philippines poll survey kung saan nakakuha ang mambabatas ng 71.80 porsyento.

Guest candidate si Legarda sa ilalim ng UniTeam nina Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice Presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

Nagpasalamat naman si Legarda sa mga tagasuporta at patuloy na pagtitiwala at kumpyansa sa kanyang kakayahan at serbisyo=publiko.

Nangako rin ang mambabatas na ipagpapatuloy niya ang mahusay at malinis na pagseserbisyo para sa pagbangon ng mga Filipino mula sa kahirapang dulot ng COVID-19.

TAGS: InquirerNews, LorenLegarda, OCTAResearch, RadyoInquirerNews, InquirerNews, LorenLegarda, OCTAResearch, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.