Loren Legarda isinusulong ang proteksyon sa culinary heritage ng bansa

By Jan Escosio April 04, 2022 - 07:57 PM

Hinikayat ni senatorial aspirant Loren Legarda ang gobyerno na kumilos para mapreserba ang culinary heritage ng bansa para na rin sa seguridad sa pagkain ng mga Filipino.

Ginawa ni Legarda ang panawagan kasabay nang paggunita sa bansa ng Filipino Food Month na may temang ‘Pagkaing Pilipino: Susi sa Pag-unlad at Pagbabago.’

Sinabi nito na bahagi ng pagkakakilala sa mga Filipino ang natatanging pagkain at luto.

Parte na rin aniya ito ng kulturang Filipino at pagkain din ang nagbubuklod sa mga sambayanan.ba-

“Mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan  at kultura ang ating pagkain. Bukod sa isinasalaysay nito ang ating kuwento bilang isang bansa, pinagbubuklod rin nito ang ating diwa bilang mga Filipina,” aniya.

Katuwiran pa nito, dahil binubuo ang Pilipinas ng napakaraming mga isla, sadyang may mga pagkakaiba ang luto ng mga pagkaing nakasanayan ng ating mga kababayan at iba-iba ang panlasa ng mga Filipino.

Ito aniya ang dahilan kayat dapat ay ipakilala sa ibang rehiyon ang mga natatanging pagkaing Filipino maging sa ibang mga bansa.

Isinulong ni Legarda sa Kamara ang House Bill No. 10551 o ang Philippine Culinary Heritage Act, na ang layon ay mapagtibay ang culinary heritage sa bansa.

“Maraming mga putahe o recipe ang naipasa mula sa mga unang henerasyon ang ngayon ay ine-enjoy pa din ng mga Filipino habang ang iba naman ay ginawan ng ibat-ibang version. Ito ang nararapat na pagyamanin sa tulong na rin ng ating magagaling  na research chef  at ibang culinary professional,” dagdag pa nito.

Kapag naging batas naman ang panukala, magiging bahagi ng mandato ng Department of Education, Department of Agriculture, Department of Science and Technology at Department of Tourism na magsagawa ng food heritage mapping at regional identity mapping.

Magiging daan din ang panukala sa pagbuo ng Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.