Tarlac City Administrator, itinangging intensyon nitong mabastos ang alaala ni dating Sen. Ninoy Aquino

Photo credit: Tarlac City Information Office/Facebook

Nagbigay ng paliwanag ang Tarlac City Administrator ukol sa larawan ng monumento ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Kumalat kasi ang larawan kung saan makikitang natakpan ng tent ang monumento ni Aquino sa idinaos na campaign rally ng UniTeam ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tarlac City Plazuela noong April 2.

Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa naturang insidente.

Sa inilabas na pahayag, itinanggi ni Tarlac City Administrator Atty. Numer Lobo na intensyong mabastos ang alaala ng dating senador.

“The supposed tent, as can be gleaned from the attached photo, was originally located at a considerable distance, spacious enough to separate the tent from the monument,” paliwanag nito.

Dagdag nito, “Due may be to the influx of people attending the mentioned rally, owing to the fact that the heat of the sun dictates the need for a shelter, the same tent was inadvertently moved towards the monument, which was unintentional.”

Iginiit nito na hindi sinasadya ang naturang pangyayari.

“It is just unfortunate that despite the wide range of platforms discussed and delivered by the candidates present and the overwhelming reception and welcome to the UNITEAM, others just chose to spread divisiveness and highlighted this unintended and unintentional incident, which is not reflective of the whole event and contradictory to its message of hope, positivity, and UNITY,” saad pa nito.

Nauna na ring sinabi ni Mayor Cristy Angeles na panahon na para magpatawad ang publiko.

“Pabayaan na natin ‘yung mga bumabatikos. It’s time for forgiveness and healing,” saad ng alkalde.

Read more...