Pilipinas, nakapagtala ng 2,679 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan April 04, 2022 - 04:37 PM

Nakapagtala ng 2,679 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang April 4, 2022, base ito sa naitalang datos simula March 28 hanggang April 3.

Mas mababa ito ng dalawang porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong March 21 hanggang March 27.

Nasa 382 naman ang daily average cases.

Samantala, may isang bagong severe and critical cases habang 329 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.7 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,230 sa 25,340 non-ICU beds ang gamit.

16.5 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 492 sa 2,990 ICU beds ang gamit.

Nasa 692 naman ang severe and critical admissions, o 11.9 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.