LRT-2, may alok na libreng sakay sa Filipino veterans mula April 5 hanggang 11

May alok na libreng sakay sa Filipino veterans sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), bahagi ito ng selebrasyon para sa Day of Valor at National Veterans Week.

Iiral ang libreng sakay simula April 5 hanggang 11, 2022.

Libreng makakasakay ang Filipino veterans sa mga nabanggit na petsa mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ng Filipino veterans ang kanilang valid Philippine Veteran’s Affair Office (PVAO) identification card upang ma-avail ang libreng sakay.

Read more...