Ikalawang 97-meter vessel ng PCG, darating na sa Mayo

By Angellic Jordan April 04, 2022 - 03:44 PM

Darating na ang MRRV-9702 o ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buwan ng Mayo.

Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, malaking hakbang ang pagdating ng BRP Melchora Aquino sa pagkilala sa ahensya bilang “symbol of hope” at “source of national price” ng Pilipinas.

“Sa darating na Sabado, ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ‘Araw ng Kagitingan’ bilang pagbabalik-tanaw sa sakripisyo ng mga bayaning sundalo na inialay ang kanilang buhay para sa kalayaan na tinatamasa natin sa kasalukuyan,” pahayag ni Abu.

Dagdag nito, “Kaya naman sa linggong ito, hinihimok ko ang bawat Coast Guardian na maglingkod nang may kagitingan para sa bayan.”

Naka-modelo ang MRRV-9702 sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard (JCG).

Mayroon itong maximum speed na hindi bababa sa 24 knots, endurance na hindi bababa sa 4,000 nautical miles, at kakayanang magsagawa ng pangmatagalang pagpapatrolya sa maritime jurisdiction ng Pilipinas kabilang ang West Philippine Sea, Philippine Rise, at katimugang bahagi ng bansa.

Sinabi ng PCG Commandant na gagamitin ang naturang asset upang lalong paigtingin ang pagtataguyod ng maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritiem search and rescue, at marine environmental protection 37,000 kilometrong baybay-dagat ng Pilipinas.

Sa pamamagitan nito, mas mapapalawak din aniya ang humanitarian assistance at disaster response operations.

Matatandaang ligtas na nakarating sa bansa ang MRRV-9701, na kikilalanin bilang BRP Teresa Magbanua, noong Pebrero 26.

Binili ng pamahalaan ang dalawang 97-meter MRRV mula Japan para lalong palakasin ang PCG sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng Department of Transportation (DOTr).

“What we are experiencing right now is the era of the modern Coast Guard. We have surpassed major challenges and achieved remarkable accomplishments in the past six years and amid the global pandemic,” saad ni Abu.

Aniya pa, “You have proven that indeed, the men and women of the PCG are responsible, accountable, disciplined, inspiring, abled, team-spirited, and excellent servant leaders.”

TAGS: BRP Melchora Aquino, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, MRRV, PCG, RadyoInquirerNews, BRP Melchora Aquino, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, MRRV, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.