Tatlong volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal

By Angellic Jordan April 04, 2022 - 02:59 PM

Nakapagtala ang Taal Volcano Network o TVN ng tatlong volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, kabilang dito ang isang volcanic tremor na tumagal ng tatlong minuto, at dalawang low-level volcanic earthquakes.

May naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 900 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.

Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 470 tonelada kada araw noong April 4.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.

Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.

TAGS: BulkangTaal, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, TaalVolcano, BulkangTaal, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, TaalVolcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.