Full grant scholarship para sa medical courses, kinakasa sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19
Sa harap ng patuloy pa ring banta ng COVID-19 pandemic, isinusulong na rin ang pagbibigay ng full grant scholarship sa mga kabataang nais mag-enroll sa medical field.
Kasabay nito ang plano ni Ginang Rose Nono Lin na makapagpatayo na rin ng isa pang district hospital sa District 5 sa Quezon City.
Naniniwala rin si Lin na kailangang dagdagan ang mga pasilidad sa mga ospital at magkaroon ng accessible health care ang publiko.
Ang karaniwang mamamayan aniya kasi ay sapat lang sa pambili ng pagkain ang kinikita at wala silang kakayahang magbayad para sa kanilang medical laboratories.
Mahalaga aniyang magkaroon ng libreng pagpapa-laboratoryo sa bawat barangay para tiyak na magiging malusog ang komunidad.
Isinusulong din ni Lin ang pagdadagdag ng mga doktor at nurse sa District 5 sa Quezon City.
Si Lin ay matagal nang nagbibigay ng scholarship sa mga batang walang kakayahan na tustusan ang kanilang pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.