Sen. Leila de Lima lalabas ng Camp Crame para sa medical check-up

Sasailalim muli sa medical check up sa Manila Doctors Hospital si reelectionist Senator Leila de Lima.

 

Makakalabas pansamantala si de Lima ng PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos siyang payagan ni Judge Romeo Buenaventura na sumailalim sa pagsusuri ng 48 oras.

 

Agad naman pinasalamatan ni de Lima ang korte dahil sa pag-intindi sa pangangailan na muli siyang masuri ng kanyang mga doktor.

 

Sa dalawang pahinang resolusyon, sinabi ng hukom na ang kanyang pagpayag ay base na rin sa kahilingan ng mga abogado ng senadora.

 

“Accordingly, for health and humanitarian reasons and considering the urgency of the matter, the subject motion is hereby granted,” ang nakasaad sa resolusyon ng korte.

 

Magugunita na noong 2018, nadiskubre ang ‘liver mass’ kay de Lima, bagamat napatunayan na ‘benign’ ito, inirekomenda pa rin ng kanyang mga doktor na regular siyang sumailalim sa mga pagsusuri.

 

Kasabay, humingi na rin ang reelectionist senator ng panalangin para sa mabuting kalusugan.

Read more...