SP Sotto: Senate probe sa e-sabong dapat ituloy

By Jan Escosio April 04, 2022 - 01:09 PM

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na kailangan na masundan pa ang pagdinig sa Senado ukol sa pagkawala ng higit 30 sabungero.

 

Kailangan aniya ito, bago pag-usapan ng mga senador ang prangkisa ng Lucky Star 8 Quest ni Atong Ang.

 

Naniniwala si Sotto na may malaking epekto ang pagdinig sa pagboto ng mga senador kung papayagan na mabigyan prangkisa ang naturang kompanya.

 

Diin nito, kailangan na mabigyan linaw ang pagkawala ng 34 sabungero alang-alang sa nag-aalala nilang pamilya.

 

Una nang  isinulong ni Sotto na suspindihin muna ng PAGCOR ang lisensiya ng lahat ng online sabong operators sa bansa kasabay nang pagpapatuloy na pagdinig sa Senado.

 

Ngunit ibinasura ni Pangulong Duterte ang resolusyon sa katuwiran na kumikita ang gobyerno sa online sabong , bagamat ipinag-utos niya ang masusing pag-iimbestiga sa pagkawala ng mga sabungero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.