BOC gumawa ng kasaysayan, March collection pumalo sa P70-B

Nakakolekta noong nakaraang buwan ng higit P70 bilyon ang Bureau of Customs, ang pinakamataas na buwanang koleksyon sa kasaysayan ng kawanihan.

 

Nabatid na nag target ng kawanihan ay P57.69 bilyon at ang nakolektang P70.727 bilyon ay higit na 22.6 porsiyento.

 

Ito na ang tatlong sunod na buwan na humigit sa target ang nakolektang buwis ng BOC simula noong Enero.

 

Base sa paunang paunang ulat ng BOC – Financial Service, 14 sa 17 Collection Districts ang naka-abot sa kanilang target, ang Ports of San Fernando, Manila, NAIA, Batangas, Iloilo, Cebu, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, Limay at MICP.

 

Hanggang noong Marso 31, umabot na sa P188.506 bilyon ang kabuuang koleksyon ng BOC na P27.8 porsiyento na ng kanilang 2022 target na P679.226 bilyon.

Read more...