Pumalo na sa 491.82 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 491,826,749 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,832,612 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,029,044 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,999,816 naman ang kaso sa Brazil habang 25,997,852 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 21,646,375
– United Kingdom – 21,216,874
– Russia – 17,896,866
– Turkey – 14,894,731
– Italy – 14,845,815
– South Korea – 14,001,406
– Spain – 11,551,574
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,176,210 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 426,778,762 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.