Hindi mahina ang sistema, sadyang may mga korap lang talaga sa gobyerno – Ping Lacson

By Jan Escosio April 04, 2022 - 09:06 AM

Itinuro ni independent presidential aspirant Ping Lacson ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na dapat sisihin kung namamayagpag ang katiwalian sa bansa.

 

Ito ang isinagot ni Lacson sa second round ng ‘PiliPinas Debates 2022: The Turning Point’ ng Commission on Elections (Comelec) kagabi.

“Hindi po mahina ang sistema. Marami tayong mga batas, mga institusyon na tumatakbo. Kahinaan po ng tao, kahinaan ng tao sa gobyerno,” aniya.

 

Binanggit nito ang Anti-Red Tape Act (Ease of Doing Business Act), Government Procurement Reform Act at Philippine Competition Act, na ilan lamang sa mga batas na ipinasa para iwasto ang sistema.

 

Dagdag pa ni Lacson, may Sandiganbayan na dumidinig sa mga kaso ng korapsyon at may Office of the Ombudsman na nag-iimbestiga at nagsasakdal ang mga naakusahang opisyal ng gobyerno.

 

“So ang kahinaan, hindi po sa sistema kundi sa tao na nagpapatupad ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” pagdidiin pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.