Tito Sotto nilinaw na siya ang VP bet ng NPC

By Jan Escosio April 04, 2022 - 08:35 AM

Ipinagdiinan ni Senate President Vicente Sotto III na walang iniendorsong presidential aspirant ang Nationalist People’s Coalition (NPC).

 

Nagsisilbing chairman ng NPC si Sotto.

 

Himutok ni Sotto hindi katanggap-tanggap  ang maling iniulat  ng isang national broadsheet na inendorso ng kanilang partido ang kalaban nilang tambalan.

 

“It is disappointing how a reputable news organization can spin a local story and twist  it in favor  of certain candidates by using a misleading title,” sabi pa ng vice presidential aspirant.

 

Dagdag pa niya, maituturing na malaking insulto sa ala-ala ng yumaong Danding Cojuangco, ang nagtatag ng NPC, na suportahan ng partido ang ibang kandidato.

 

Sinabi pa ni Sotto, nilinaw na rin ni Tarlac Gov. Susan Yap na ang pag-endorso nila ng kanyang kapatid, Rep. Victor Yap, sa ibang kandidato ay personal na desisyon.

 

Ibinahagi pa niya na maraming opisyal at miyembro ng partido ang nagsabi na sablay ang ginawa ng mga Yap.

 

“Hindi talaga matino yun so siguro they should know what their next step should be, ganun ang usapan,” ani Sotto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.