Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa Eastern Samar, Linggo ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 48 kilometers Northeast ng Hernani dakong 6:17 ng gabi.
Tectonic ang origin ang pagyanig na may lalim na 21 kilometers.
Bunsod nito, naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 3 – Borongan City, Eastern Samar
Intensity 1 – Palo, Leyte
Wala namang napaulat na pinsala sa bayan ng Hernani.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.