12 lugar sa NCR, mababa sa 10 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 – OCTA
Nasa 12 lugar sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng mababang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, base sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang April 2, walang naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa Mandaluyong City at Pateros.
Tig-dalawang COVID-19 cases naman ang napaulat sa Valenzuela City, Navotas City, at Marikina; Tatlong kaso sa Malabon; habang tig-apat na kaso naman sa Muntinlupa City at San Juan.
Lumabas din sa datos na limang bagong COVID-19 ang naitala sa Las Piñas City, anim sa Parañaque City, pito sa Pasig City, at walo sa Makati City.
Samantala, lagpas 10 naman ang napaulat na COVID-19 cases sa mga sumusunod na lugar:
– Taguig City (14)
– Pasay City (18)
– Caloocan City (20)
– Quezon City (23)
– Manila City (30)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.