Kasado na ang ikalawang presidential debate ng Commission on Elections (Comelec) sa Abril 3.
Nauna nang sinabi ng Comelec na babaguhin ang format ng debate, kung saan hahatiin sa tatlong grupo ang mga kandidato at made-debate sa parehong topic.
Tututukan sa ikalawang debate ang usapin ukol sa government accountability at domestic policy.
Ang batikang mamamahayag na si Ces Drilon ang magiging host ng susunod na debate.
Siyam sa 10 presidential candidates ang inaasahang dadalo sa debate bandang 7:00, Linggo ng gabi.
Tanging si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hindi nagkumpirma ng pagdalo sa naturang debate.
Matatandaang hindi dumalo si Marcos sa unang debate na inorganisa ang Comelec noong Marso 19.
MOST READ
LATEST STORIES