Returning overseas Filipinos na naserbisyuhan ng One-Stop Shop, umabot sa higit 2.4 milyon

Patuloy ang pagseserbisyo ng One-Stop Shop sa mga nagbabalik na overseas Filipinos sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Transportation (DOTr) hanggang March 30, umabot na sa 2,430,307 ang bilang ng overseas Filipinos na naserbisyuhan nito.

Sa nasabing bilang, 611,664 overseas Filipinos ang naasistihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1; 742,701 sa NAIA Terminal 2; at 603,011 sa NAIA Terminal 3.

256,091 overseas Filipinos naman ang natulungan sa Clark International Airport, habang 218,840 sa Mactan-Cebu International Airport.

Nagsimula ang operasyon ng One-Stop Shop noong April 23, 2020.

Read more...