Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad sa susunod na linggo
By Chona Yu April 02, 2022 - 02:50 PM
Bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Matatapyasan ng P2.50 hanggang 2.70 ang ibabawas sa presyo ng gasolina kada litro.
Nasa P2.00 hannggang P2.20 naman ang ibababa ng diesel kada litro.
Bababa rin ang presyo ng kerosene ng P1.70 hanggang P1.90 kada litro.
Ito na ang ikalawang beses na magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.