Pag-iimprinta ng 67.4 milyong balota para sa May 9 elections, natapos na ng Comelec
(Comelec photo)
Natapos na ng Commission on Elections ang pag-iimprinta ng 67.4 milyong balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.
Ayon sa Comelec, natapos ang pag-iimprinta kaninang 10:28 ng umaga, Abril 2, 2022.
Maagang natapos ng Comelec ang pag-iimprinta ng balota kumpara sa itinakdang deadline na Abril 25.
Una rito, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nasa 179,000 na naimprintang balota ang depektibo.
Sinimulan na rin ng Comelec kaninang 12:00 ng hating gabi ang pagdidispatsa sa automated elecyon system supplies mula sa warehouse sa Sta. Rosa, Laguna patungo sa mga regional hubs sa buong bansa.
Kabilang na ang mga vote counting machines, consolidated canvassing systems laptops peripherals, at transmission devices.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, patunay ito na mayroong full transparency ang kanilang hanay sa eleksyon.
“We are on track. The dispatch of various election items, including AES supplies, is proceeding as planned. In keeping with the Commission’s commitment to fulfill transparency in all stages of the election process, we have invited election stakeholders and members of the media to observe and cover the said activity,” pahayag ni Jimenez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.