Paniningil sa P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos, hindi pamumulitika ayon kay Isko
Walang halong pulitika ang paghihikayat ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno sa pamilya ng katunggaling si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bayaran na sa pamahalaan ang P203 bilyong estate tax.
Tugon ito ni Moreno sa pahayag ng kapatid ni Marcos na si Senador Imee Marcos na bulok na pulitika lamang ang paglutang muli sa bayaring buwis.
Ayon kay Moreno, ginawa niya ang panawagan hindi para pulitikahin si Bongbong Marcos.
Obligasyon aniya ng bawat mamayang Filipino na magbayad ng buwis sa pamahalaan lalo na kung tumatakbo ang isang tao sa public office.
Hinamon pa ni Moreno kay Bongbong Marcos na kung talagang mabuting tao ay bayaran na ang buwis.
Mismong ang pamilya Marcos na aniya ang umamin na may bayarin silang buwis sa pamahalaan.
Hindi aniya fake news ang kanyang pahayag na may P203 bilyong bayaring buwis ang pamilya Marcos sa pamahalaan.
Sinabi pa ni Moreno na maaring sikat, makapangyarihan at pinagpala ang pamilya Marcos kung kaya hindi umiiral sa kanila ang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.