Pahalik sa Poong Nazareno, pinayagan na ng Quiapo Church

By Chona Yu April 02, 2022 - 10:19 AM

Pinapayagan nang muli ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila ang paghawak at pahalik sa imahe ng Poong Nazareno.

Ayon kay Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, kinakailangan lamang na sumunod sa mga health protocols kontra COVID-19 na itinakda ng pamahalaan.

Pakiusap ni Father Badong, pumila lamang ng maayos ang mga deboto ng Poong Nazareno.

Matatandaang simula nang pumutok ang pandemya, itinigil ng Quiapo Church ang paghawak at paghalik sa Poong Nazareno.

Itinigil din ng Quiapo Church ang taunang Traslacion o ang pagpu-prusisyon ng Poong Nazareno sa lungsod ng Manila.

 

TAGS: Black Nazarene, Father Douglas Badong, Minor Basilica of the Black Nazarene, news, Poong Nazareno, Quiapo Church, Radyo Inquirer, Black Nazarene, Father Douglas Badong, Minor Basilica of the Black Nazarene, news, Poong Nazareno, Quiapo Church, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.