Southbound portion ng Roxas Boulevard – Libertad, binuksan na
Maari nang daanan ng mga motorista ang southbound portion ng Roxas Boulevard malapit sa Libertad Pumping Station sa Pasay City, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa ulat kay DPWH Secretary Roger Mercado at Senior Undersecretary Rafael C. Yabut, sinabi ni DPWH National Capital Region (DPWH-NCR) Director Nomer Abel Canlas na pwede nang dumaan ang mga sasakyan, maliban sa mga trak, sa naturang kalsada mula V. Sotto hanggang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)
Nakumpleto na kasi ang 54.9 linear meter replacement ng nasirang Libertad box culvert o drainage main structure at road pavement.
Bunsod nito, mas magiging ligtas at maayos ang pagbiyahe ng mga motorista at produkto sa naturang kalsada.
Samantala, makatutulong naman ang bagong drainage main box culvert para sa mas maayos na daloy ng tubig sa Libertad Pumping Station.
Patuloy naman ang rehabilitasyon ng DPWH South Manila District Engineering Office sa northbound direction ng Roxas Boulevard.
Round-the-clock work ang ipinatutupad upang mabilis na matapos ang proyekto.
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa northbound service road o iba pang posibleng alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.