Empleyado ng Smartmatic na sangkot sa security data breach, sinibak na
By Chona Yu April 01, 2022 - 01:51 PM
Sinibak na ng Smartmatic ang isang empleyado na sangkot sa security data breach.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, base sa pakikipagpulong niya sa mga kinatawan ng Smartmatic, araw ng Huwebes (March 31), sinabi nito na tinanggal na ang naturang empleyado.
Binigyan na aniya ng Smartmatic ng disciplinary action ang naturang empleyado.
Una nang sinabi ni Senador Imee Marcos na inamin ng Smartmatic na nagkaroon ng security data breach sa kanilang hanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.