Nasa 10 kumpanya ang sinampulan ng Social Security System (SSS) ng Run After Contribution Evaders (RACE) activity sa Manila.
Ayon kay Luzviminda Limcauco, vice president ng National Capital Region-West, unang pinadalhan ng notice ang kompanyang YMCA of the Philippines Federation dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon sa kanilang empleyado.
Nasa P15 milyon ang bayarin ng kumpanya dahil taong 1996 nang nagsimula ng hindi magbayad ang YMCA.
Nasa mahigit 2,000 dilinquent na kumpanya sa NCR west ang hindi nagbabayad ng kontribusyon sa SSS.
Ayon kay Limcauco, patuloy ang kanilang paghikayat sa mga employer na magbayad ng kontribusyon sa SSS.
MOST READ
LATEST STORIES