E-sabong, dapat ipagbawal; Kita mula dito napupunta lang sa isang tao – Cayetano

By Chona Yu April 01, 2022 - 12:37 PM

Photo grab from Rep. Alan Peter Cayetano’s Facebook video

Tahasang sinabi ni Senatorial Candidate at dating House Speaker and Senador Alan Peter Cayetano na kung siya nag tatanungin ay nais niyang ipagbawal ang e-sabong o anumang online gambling sa bansa ngunit kung talagang kailangan ng pera at kita ng pamahalaan ay walang problema subalit kailangang itama ang kita ng pamahalaan.

Ayon kay Cayetano, kung ang pagbabasehan ay ang kasalukuyang kita ng pamahalaan ay kitang-kita na isang tao lamang ang nakikinabang ng kita mula dito.

Tinukoy ni Cayetano na ang kumikita lamang ay ang opetators na kung saan sila rin lamang ang nagkokontrol sa mga agent o ahente ng naturang operasyon dahil dito luging lugi ang pamahalaan.

Ikinumpara ni Cayetano ang e-sabong sa lotto na kung saan ang kinikita mula dito ay talagang napupunta sa pamahalaan sa pamamagitan ng direktang pagpunta ng babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang nagkokontrol sa mga ahenteng na napagkalaoob ng lisenya na mag-operate ng lotto ay direkta sa PCSO.

Tinukoy ni Cayetano na sa loob ng limang taon ay kikita lamang ang pamahalaan ng P7.68 bilyon kumpara sa kinikita ng mga e-sabong operator na P36 bilyon na kinabibilangana ng P18 bilyon mula sa kanilang operayson at P18 bilyon para sa siguradong kita.

Ipununto ni Cayetano na walang sinumang malalaking negosyo o negaoyantea sa bansa ang kayang kumite ng P1 bilyon sa laoob ng isang taon.

Dahil dito, iginiit ni Cayetano na kung hindi talaga kaya tanggalin ang naturang e-sabong ay dapat na maging baligtad ang sistema at paraan dapat ang kumikita ay ng P36 bilyon ay ang pamahalaan ay tanging sa P7.68 bilyon para sa pamahalaan.

Kaugnay nito, nanawagan si Cayetano sa kanyang mga kapwa kandidato sa iba’t ibang puwesto na sa sandaling alukin sila ng ilang mga operator ng e-sbaong kapalit ng kanilang pagsuporta sa sandaling sila ay manalo sa puwesto ay huwag naman nilang isaalang-alang ang kapanakan ng bayan.

Inamin ni Cayetano na noong siya ay House Speaker ay mayroong nag-alok sa kanya ng malaking halaga kapalit ang pananahimik ukol sa e-sabong subalit kanya itong tinaggihan.

Aminado naman si Cayetano na mayroong banta sa kanyang buhay ukol sa pagsasalita dito ngunit sanay na siya ay mas malala pa noon na ang ilang isyu ng korupsyon sa pamahalaan ang kanyang inilalantad.

Sinabi pa ni Cayetano na pinaalalahanan din siya ng ilan niyang kabigan na manahimik dahil sa bantang hindi siya titigilan upang malaglag sa darating na lalan subalit hindi siya matatakot na magsalita ngunit animado siyang nais niyang manalo.

Tiniyak din ni Cayetano na kanyang kakausaping muli ang Pangulong Rodrigo Duterte upang ipawalinag ang lahat ng kanayng pag-aaral upang maibigay ang tamang datos at impormasyon dahil baka mali ang ibinibigay sa kanya ng mga nakapaligid sa kanya.

Nagbanta rin si Cayetano sa kanyang mga kabigan sa PCSO na maging maingat at pag-aralang mabuti ang kontrata o kasunduang pinasok sa mga e-sabong operator dahil maari silang maharap sa patung-patong na kaso ng katiwalaian dahil sa naturang kontrata.

Sa huli, sinabi ni Cayetano na kawawa ang taong bayan at maliit na mamamyan na nalululong sanaturang online gmabling dahil sa ito ay mas masahol pa saisang naadik sa droga.

TAGS: AlanCayetano, Esabong, InquirerNews, RadyoInquirerNews, AlanCayetano, Esabong, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.