Piñol, ibinahagi ang istratehiya sa laban kontra Avian Flu

By Jan Escosio April 01, 2022 - 11:57 AM

Sinabi ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol ang tamang paraan upang hindi na kumalat ang Avian Flu ay buhusan ng tulong ang mga nag-aalaga ng mga manok.

Aniya, ang unang gawin ay bayaran ang mga nag-aalaga ng manok.

“The secret to our success in containing that is in the payment of farmers. Kasi kapag tinamaan ang isang area ng avian flu kailangan bayaran mo agad ang farmers, kundi ipupuslit nila ang mga ‘yan,” sabi pa ng senatorial aspirant sa Lacson-Sotto ticket.

At ito aniya ang hindi ginagawa naman sa African Swine Fever.

Sinabi nito, marami pang hog raisers ang hindi nababayaran at ito ang nakakapagtaka dahil may pondong P5,000 sa bawat baboy na kakatayin para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Aniya, dahil hindi pa nababayaran o hindi buo ang bayad, kinakatay ng hog raisers ang kanilang mga alagang baboy at ipinagbibili ang karne.

TAGS: AfricanSwineFlu, avianflu, InquirerNews, MannyPiñol, RadyoInquirerNews, AfricanSwineFlu, avianflu, InquirerNews, MannyPiñol, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.