May naitalang bagong kasaysayan ang Philippine Air Force (PAF), ang pagkakaroon ng unang babaeng fighter pilot.
Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month, kinilala si 1Lt. Jul Laiza Mae Camposano – Beran bilang unang piloto ng AS-211 combat mission ready pilot at wingman.
Tubong Tulunan, Cotabato ang miyembro ng PMA Sinaglahi Class of 2015 at ika-limang babaeng kadete na tumanggap ng Athletic Saber Award.
Nagtapos sa Military Pilot Training noong 2017 si Camposano – Beran sa PAF Flying School.
Kasabay nito, kinilala ng PAF ang napakahalagang bahagi ng kababaihan sa kanilang hukbo at lipunan.
MOST READ
LATEST STORIES