13 volcanic earthquakes, napaulat sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras
Nakapagtala ang Taal Volcano Network o TVN ng 13 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, kabilang dito ang tatlpng volcanic tremor na tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto, at 10 low-level volcanic earthquakes.
May naganap ding tatlong phreatomagmatic burst mula sa main crater bandang 10:39 ng umaga, 10:47 ng umaga, at 10:55 ng umaga.
May naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 2,000 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.
Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 7,856 tonelada kada araw noong March 31.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.
Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.
Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.