May bagong responsabilidad si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ito ay matapos italaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle bilang miyembro ng Pontifical Council “Cor Unum.”
Matatandaang noong buwan ng Mayo lamang, itinalaga ng Santo Papa si Cardinal Tagle bilang president ng Caritas Internationalis na social action arm naman ng Simbahang Katolika.
Ang Cor Unum ang namamahala sa international charitable activities ng Simbahang Katolika.
Si Pope Paul VI ang nagtatag ng Cor Unum noong 1971 na ang layunin ay magsilbi bilang humanitarian group na reresponde tuwing may kalamidad.
Isa ang Cor Unum sa mga maagang rumesponde sa bagyong Yolanda nang tumama ito sa Visayas region noong Nobyembre 8, 2013.
Ang Cor Unum rin ang nagbigay ng pondo para sa konstruksyon ng Pope Francis Center sa Palo, Leyte./ Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.