Walong senatorial candidate, inendorso ni Pangulong Duterte
Nasa walong kandidato sa pagka-senador ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa proclamation rally sa Lapu-Lapu City sa Cebu, inendorso ng Pangulo sina Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, Loren Legarda, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Gibo Teodoro at Migz Zubiri.
Ayon sa Pangulo, wala namang nangyari sa kaso ni Estrada kung kaya nakalabas ng kulungan.
Si Estrada ay nahatulang guilty sa kasong plunder dahil sa pork barrel scam pero pinayagang makapagpiyansa.
Ang walong nabanggit ay hindi kasama sa line-up ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Nasa line-up ng PDP-Laban sina Salvador Panelo, Robin Padilla, John Castriciones, Rodante Marcoleta, Rey Langit, at Greco Belgica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.