Tiniyak ni Manila mayoralty candidate Alex Lopez na ibabalik sa lokal na pamahalaan ang mga pag-aaring ibinenta ni Manila Mayor Isko Moreno at ng konseho.
Ayon kay Lopez, hindi tama na pagkakitaan ang mga ari-arian ng lungsod.
Isa sa mga ibinenta ni Moreno at ng konseho ang Divisoria Public Market.
Hindi aniya ang pagbebenta ng mga ari-arian ang solusyon kapag nagugutom ang taong bayan.
Serbisyong tapat lang aniya ang kailangan
Kailangan aniyang nasa mahihirap ang puso ng isang servant leader.
Ang mahirap, ayon kay Lopez, gusto pang ibenta pati ang city hall gayung hindi naman ito kailangan.
Kung papalaring manalong mayor ng Maynila, pangako ni Lopez, babawiin ng pamahalaan ang mga ibinentang ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES