Loren Legarda nangako ng mga tulong para sa pagbangon ng Davao Region

By Jan Ecosio April 01, 2022 - 08:10 AM

Inilatag ni senatorial aspirant Loren Legarda ang kanyang mga plano para makatulong sa pagbangon at pagbawi ng Davao Region sa mga epekto ng pandemya.

 

Naniniwala si Legarda na ang pinakamabisang paraan para sa pagbangon ay ang pagkakaroon ng mga trabaho at kabuhayan.

 

Sa kanyang huling termino sa Senado, pinamunuan ni Legarda ang Senate Committee on Finance at nakipagtulungan sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno para mapondohan ang mga programang Barangay Kabuhayan Skills Training Program (BKSTP), Training for Work Scholarship Program (TWSP), at Special Training for Employment Program (STEP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na nakatulong na sa libo-libong Dabawenyo trainees simula noong 2017.

 

Isinulong din ni Legarda ang pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Davao City at sa lima pang lalawigan sa rehiyon.

 

Dagdag pa nito, napakahalaga din aniya ang pagpagawa ng mga kritikal na imprastraktura  at pagtitiyak ng de-kalidad na edukasyon.

 

“Throughout the pandemic, we were confronted with complex problems that need a comprehensive solution,” aniya.

 

Dagdag pa niya; “We must acknowledge that the right pathway to a better normal or pandemic recovery is through economic empowerment, which can only be achieved if we invest in the country’s economic, social, environmental, and infrastructure development through a multi-sectoral collaboration.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.