House-to-house campaign ikakasa ng pamilya-Robredo, celebrity supporters

Simula bukas, Abril 2, magsasagawa na ng house-to-house campaign ang pamilya ni presidential candidate Leni Robredo, gayundin ang kanilang celebrity supporters upang mas maraming mahikayat na mga botante.

 

Una nilang bibisitahin ang ilang bahagi ng Quezon City, Cavite, Pasay City, Dumaguete City, Tagbilaran City, Marawi City at Cagayan de Oro City.

 

Ang mga anak ni Robredo na sina Dr. Tricia at Aika ay una nang kumatok sa mga bahay sa Manila, Quezon City at Pangasinan upang manghikayat na iboto ang kanilang ina.

 

Sa kanyang social media post, binanggit n ani Dr. Tricia ang kahalagahan ng bahay-bahay na pangangampaniya para mas maabot nila ang mas maraming tao.

 

“My ask is for us to go out of circles. Lumabas, makinig at subukang makiusap ng mahinahon. Medyo more than six years na ring nakakatempt mangbarda lolz but habaan pa ng kaunti ang pasensya,” ang post nito.

 

Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga tagasuporta at nagtitiwala sa kanyang ina sa kanilang mga sakripisyo at pangangampaniya.

Read more...