Inendorso ng Partido Federal ng Pilipinas ang kandidatura ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno.
Ginawa ng mga original na opisyal at miyembro ng PFP ang pag-endorso kay Moreno sa Iligan City.
Ayon kay PFP chairman Abubakar Mangelen, na tumatayo ring chairman ng National Commission on Muslim Affairs, malalagay sa alanganin ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Matatandaang si Mangelen ay una nang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Coemelc) na layong ipadiskwalipika si Marcos.
Kinukwestyon din niya na ang isinumite nitong certificate of nomination and acceptance na mula umano sa PFP.
Nabatid na ang Partido Federal ng Pilipinas ay naitatag noong 2018 ni dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones.
Si Castriciones ay guest candidate sa senatorial team ni Moreno.
Ayon kay Mangelen, si Moreno lang ang nakita nilang nakakita ng mga problema ng Bangsamoro people at kabuuan ng Mindanao.
Matapos umikot sa ilang lugar sa Mindanao, sa Mindoro naman nag-ikot ang Team Isko sa araw ng Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.