Sen. Binay sa DOT: Ibigay ang lahat ng tulong sa tourist spots

Senate PRIB photo

Sa patuloy na pagpapaluwag ng pagbiyahe, hinikayat ni Senator Nancy Binay ang Department of Tourism (DOT) na itodo na ang pagbibigay tulong sa lahat ng tourism-ready sites.

Kabilang sa mga maaring maibigay na ayuda ng DOT, ayon kay Binay, ay marketing support para matulungan ang mga establisyemento na makabawi na mula sa pagkakadapa dahil sa pandemya.

“The DOT should start enabling the tourism industry by extending them marketing support to recover market share, bring back visitor confidence and awareness, rebuild human resource by providing trainings, and help local counterparts in the LGUs in updating their local tourism plans to be compliant to the new normal,” dagdag pa nito.

Dapat aniyang simulan na ng local tourism offices ang ‘mapping’ sa tourism sites at establisyemento para na rin matiyak ang pagsunod sa health and safety protocols.

Dagdag ni Binay, kapag sumigla ang industriya ng turismo, malaki ang maitutulong para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Read more...