Comelec, babaguhin ang format ng April 3 presidential debate
Babaguhin ng Commission on Elections (Comelec) ang format ng presidential debate sa Abril 3.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hahatiin sa tatlong grupo ang mga kandidato at made-debate sa parehong topic.
Government accountability at domestic policy ang topic sa susunod na debate.
Bibigyan aniya ang bawat kandidato ng tig-dalawang minuto para sumagot at 30 segundo para sa rebuttal.
Gagawin aniya ang draw lots dalawang oras bago mag-umpisa ang debate.
Ayon kay Jimenez, ang batikang mamamahayag na si Ces Drilon ang magiging host ng susunod na debate.
Ayon kay Jimenez, sa ngayon, siyam sa mga kakandidato sa pagka-pangulo ang nagpahayag na dadalo sa debate.
Tanging si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. aniya ang wala pang abiso kung dadalo o hindi.
Matatandaang hindi dumalo si Marcos sa unang debate na inorganisa ang Comelec noong Marso 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.