Teritoryo ng Pilipinas, ilalaban ng Robredo – Pangilinan tandem

Ipaglalaban ng administrasyong Leni Robredo ang teritoryo ang soberanya ng Pilipinas.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Vice Presidential aspirant Kiko Pangilinan kaugnay sa patuloy na pag-angkin ng China sa Panatag Shoal.

“Walang paligoy-ligoy. Ipagtatanggol ng Leni-Kiko tandem ang ating karapatan, ang mga mangingisda at ang buong Pilipinas laban sa sinumang mananakop,” ani Pangilinan.

Ginawa nito ang pahayag matapos igiit ni Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin na base sa kanilang kasaysayan, bahagi ng teritoryo ng China ang Panatag Shoal.

Diin nito, ang kumpiyansa ng China ay hinuhugot sa pagsunod lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nais ng China sa kabilang ng tagumpay ng Pilipinas sa The Hague Permanent Court of Arbitration noong 2016.

Sa pagpasok ng bagong taon, hinikayat ni Pangilinan ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard na patrulyahan ang bahagi ng West Philippine Sea dahil maraming mangingisdang Filipino ang itinataboy ng Chinese Coast Guard.

Read more...