Manny Pacquiao, bukas na gawin ‘adopted running mate’ si Tito Sotto
Handa si PROMDI presidential candidate Manny Pacquiao na makisalo kay independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson kay Vice Presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto.
Sinabi ito ni Pacquiao sakaling hindi na kayanin ng kanyang running mate na si Lito Atienza na mangampaniya dahil sa isyung pangkalusugan at bumitaw na ito sa laban.
Dagdag ni Pacquiao, bago pa man magsimula ang election period, sinabi na ni Atienza na kung hindi siya kandidato, ang kanyang iboboto ay si Sotto.
Paglilinaw naman agad nito, ang pagpapalit niya ng running mate ay mangyayari lamang kung mismong si Atienza na ang aayaw.
“Wala naman kaming problem ani Cong. Lito Atienza at sabi naman ng aking ka-tandem na kung may mapili man na kung sakaling hindi niya kaya ay gusto niya si Sotto na puwedeng dalhin as VP,” sabi pa ng Pambansang Kamao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.