Patuloy na pagdagsa ng smuggled Chinese vegetables, pinuna

By Jan Escosio March 31, 2022 - 11:52 AM

Sinabi ni reelectionist Senator Leila de Lima na patuloy ang pagbaha ng ipinuslit na mga gulay mula sa China.

Aniya, lubhang naapektuhan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

“Our local farmers have been complaining of the adverse effects of smuggled carrots from China being sold in various markets in the Philippines since last year,” aniya.

Diin ni de Lima, hindi kayang tapatan ng mga lokal na magsasaka ang napakababang presyo ng mga imported na gulay.

Sa pagdinig sa Senado kamakailan, inangal ng mga negosyante ng gulay na nakabase sa Benguet na P2.5 milyon ang nawawalang kita sa kanila kada araw dahil sa smuggled carrots pa lamang.

Banggit pa ni Agot Balanoy, ang tagapagasalita ng League of Associatons at La Trinidad Vegetable Trading Areas, marami sa mga magsasaka ang itinatapon o ipinamimigay na lamang ang kalahati sa kanilang ani dahil walang bumibili.

TAGS: benguet, InquirerNews, leiladelima, RadyoInquirerNews, SmuggledVegetables, benguet, InquirerNews, leiladelima, RadyoInquirerNews, SmuggledVegetables

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.