Aktibidad ng Bulkang Taal, patuloy na tinututukan

By Angellic Jordan March 31, 2022 - 11:32 AM

Walang naitala ang Taal Volcano Network o TVN na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, kahit walang volcanic earthquake, patuloy pa rin ang low-level background tremor simula noong March 29.

May naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 1,500 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.

Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 6,405 tonelada kada araw noong March 30.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.

Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.

TAGS: BulkangTaal, InquirerNews, phivolcs, RadyoInquirerNews, TaalVolcano, BulkangTaal, InquirerNews, phivolcs, RadyoInquirerNews, TaalVolcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]