Koryanong wanted dahil sa illegal gambling, timbog sa Taguig

By Angellic Jordan March 30, 2022 - 07:18 PM

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean dahil sa illegal gambling.

Tinukoy ng BI Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang 39-anyos na dayuhan na si Jeong Mungil.

Sa bisa ng mission order mula kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli si Jeong sa bahagi ng Bonifacio Global City sa Taguig noong Huwebes.

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, mayroong inilabas na red notice ang Interpol at arrest warrant mula sa Ulsan district court sa Korea laban sa dayuhan.

Sinabi ni Sy na nakasuhan si Jeong dahil sa paglabag sa national sports promotion act sa Korea.

Base sa ibinahaging impormasyon ng national central bureau ng Interpol sa Maynila, nag-operate si Jeong, kasama ang ilang kasabwat, online gambling site sa kanilang condominium unit sa Makati City noong 2012.

Sa ngayon, nakakulong ang dayuhan sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings nito.

TAGS: IllegalGambling, InquirerNews, JeongMungil, RadyoInquirerNews, IllegalGambling, InquirerNews, JeongMungil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.