LPA, nakalabas na ng bansa

By Angellic Jordan March 30, 2022 - 06:27 PM

DOST PAGASA satellite image

Nakalabas na ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, ang naturang LPA ay itinuturing na ng ilang bansa bilang Tropical Depression.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 405 kilometers West Northwest ng Pagasa Islands, Palawan.

Wala na aniyang direktang epekto ang sama ng panahon sa kalupaan ng bansa.

Patuloy aniyang kikilos ang sama ng panahon papalapit sa Vietnam.

Samantala, nakakaapekto pa rin ang Easterlies o hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa malaking parte ng bansa.

Malaki aniya ang tsansa na makaranas ng pag-ulan o isolated rainshowers at thunderstorms sa Silangang bahagi ng bansa, kabilang ang Bicol region, Eastern Visayas, Caraga, Davao, ilang parte ng Quezon, Aurora, Cagayan, at Isabela.

Ani Badrina, asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa, kasama ang Metro Manila.

Sinabi pa nito na walang ibang low pressure area (LPA) na inaasahang makakaapekto sa bansa sa mga susunod na araw.

TAGS: #weatheradvisory, easterlies, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, tropicaldepression, weatherupdate, #weatheradvisory, easterlies, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, tropicaldepression, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.