DOLE, may alok na trabaho sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

By Chona Yu March 30, 2022 - 03:08 PM

May alok na trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, Martes ng gabi (March 29), iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may 10 araw na trabaho ang mga residente.

Katumbas aniya ito ng P400 na minimum wage sa rehiyon.

Prayoridad aniya ang mga residente sa Agoncillo, Laurel, San Luis, Calatagan at Calaca.

Ayon kay Bello, inatasan na niya ang kanilang finance officer na maghanda ng P50 hanggang P100 milyon sakaling madagdagan pa ang mga naapektuhang residente.

Tiniyak ni Bello na handa ang DOLE sakaling lumala ang sitwasyon ng Bulkang Taal, bagaman umaasang huhupa na ito sa mga susunod na linggo.

TAGS: BulkangTaal, DOLE, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SilvestreBelloIII, TaalVolcano, BulkangTaal, DOLE, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SilvestreBelloIII, TaalVolcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.