Cavite Rep. Alex Advincula, inendorso ang kandidatura sa pagka-pangulo ni VP Leni Robredo

By Angellic Jordan March 30, 2022 - 02:29 PM

Screengrab from Rep. Alex Advincula’s FB video

Pormal nang inendorso ni Cavite Representative at Imus mayoral candidate Alex Advincula ang kandidatura ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

Sa kabila ito ng pagsuporta ng National Unity Party (NUP) kay Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Sa gobyernong tapat, aangat ang Imus para sa magandang bukas,” saad ni Advincula.

Hindi aniya siya mag-eendorso sa mga kapwa Imusenyo ng kandidatong hindi niya magagarantiya ang pagmamahal sa bayan.

Ani Advincula, personal niyang nakatrabaho si Robredo kaya’t masasabi niyang buo ang tiwala sa kapasidad at puso sa pagseserbisyo nito.

“Mas magiging panatag ang loob ko kung ang aking magiging ‘boss’ ay may malinis na track record, masipag at bihasa sa pagtulong sa mga nasa laylayan,” dagdag nito.

Maliban kay Advincula, ilang miyembro rin ng NUP ang nagparating ng suporta kay Robredo.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, AlexAdvincula, InquirerNews, Leni Robredo, nup, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, AlexAdvincula, InquirerNews, Leni Robredo, nup, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.