Nabiktima ng hacking ang sikat na blockchain game na Axie Infinity at tinangay ang halos P32 bilyong halaga ng crypto currency mula sa kanilang blockchain.
Ayon sa pamunuan ng Sky Mavis, “There has been a security breach on the Ronin Network. Earlier today, we discovered that on March 23rd, Sky Mavis’s Ronin validator nodes and Axie DAO validator nodes were compromised resulting in 173,600 Ethereum and 25.5M USDC drained from the Ronin bridge in two transactions (1 and 2).”
Nito lamang Martes, March 29, 2022 nang malaman ng Sky Mavis ang insidente matapos mag-report ang isang indibidwal na hindi nito mailabas ang 5,000 ethereum (P800 milyon) mula sa Ronin blockchain.
Kaagad na gumawa ng imbestigasyon ang gaming company at agad nilang nakita ang crypto wallet na mayroong 175,913 ethereum.
Nakipag-ugnayan na ang Sky Mavis sa centralized exchanges upang matutukan ang magiging galaw ng nasabing wallet.
Ayon kay Changpeng Zhao, CEO ng Binance, “Our team is in touch with AxieInfinity team providing assistance in tracking this issue.”
Maraming Filipino ang nagsimulang magkaroon ng kaalaman tungkol sa crypto sa pamamagitan ng Axie Infinity.
Sa ngayon, mga Filipino pa rin ang bumubuo sa malaking bahagi ng kanilang mga manlalaro.