Estate tax, pinasisingil na ni Pangulong Duterte sa BIR

By Chona Yu March 30, 2022 - 12:46 PM

PCOO photo

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-uusisa sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung bakit hindi pa nasisingil ang estate tax.

Sa ‘Talk to the People,’ sinabi ng Pangulo na kapos ang pondo ng pamahalaan dahil sa pandemya sa COVID-19.

Gayunman, hindi tinukoy ng Pangulo kung sinong partikular na pulitiko ang pinasisingil sa estate tax.

Tanging ang pamilya ni UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinahabol ng BIR dahil sa hindi nabayarang P203 bilyong estate tax.

“Sa taxation natin, so ang gobyerno can only prod. Hindi naman kailangan ng reminder sa Malacañang. Nandiyan ‘yung BIR so tanungin natin ‘yang BIR bakit hanggang ngayon hindi nakolekta ‘yung estate tax,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang iba’t ibang grupo na ang nanawagan sa BIR na kolektahin ang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos.

Maging si dating Supreme court Justice Antonio Carpio ay nakiisa na rin sa pagkalampag sa gobyerno.

Dinipensahan din ng Pangulo ang hindi pagsuspinde sa e-sabong dahil kapos sa pondo.

Paliwanag ng Pangulo, nasa P640 milyong buwis kada buwan ang nakokolekta ng pamahalaan dahil sa e sabong.

“Ako, baka nagdududa kayo bakit hindi ko hininto. Hindi ko ho hininto kasi kailangan ng pera sa e-sabong ng gobyerno. I’ll make it public now, it’s 640 million a month. And in a year’s time, it’s billion plus. Saan tayo maghanap ng pera ng ganoon na kadali na siguro?,” pahayag ng Pangulo.

Una nang sinabi ng BIR na pinadalhan na nila ng sulat ang pamilya Marcos para pagbayarin sa P203 bilyong estate tax.

Sa panig ni Marcos, sinabi nitong marami nang naglutangan na fake news kanilang na ang usapin sa estate tax.

TAGS: BIR, EstateTax, InquirerNews, PamilyaMarcos, president duterte, RadyoInquirerNews, TalktothePeople, BIR, EstateTax, InquirerNews, PamilyaMarcos, president duterte, RadyoInquirerNews, TalktothePeople

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.