MRT-3, nakapagtala muli ng pinakamataas na bilang ng commuters
Muling nahigitan ang pinakamataas na bilang ng pasaherong naserbisyuhan sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naserbisyuhan ang 285,091 na pasahero sa tren noong Martes, March 29.
Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.
Bunsod pa rin ito ng ipinatupad na libreng sakay sa tren at pagpapatakbo ng 18 na 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.
Sa tulong nito, nasa 18 hanggang 21 ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line
Pinataas na rin ang passenger capacity sa bawat tren na kaya nang makapagpasakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at 394 na pasahero kada train car.
Tatagal ang libreng sakay sa mga pasahero hanggang April 30, 2022.
Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng pamunuan ng MRT-3 ng minimum public health and safety protocols sa buong rail line.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.