LOOK: Wax figure ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Madame Tussauds Singapore

Screengrab from Madame Tussauds Singapore’s FB livestream

Ipinakita na ng Madame Tussauds Singapore ang wax figure ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, araw ng Miyerkules.

Tampok sa wax figure ang naging ‘winning look’ ng Filipino-Australian beauty queen nang makoronahan bilang Miss Universe sa Thailand noong 2018.

Makikita sa wax figure ang replica ng tumatak na Mayon volcano at lava-inspired na gown ni Gray, na gawa ng fashion designer na si Mak Tumang.

Kasama rin sa wax figure ang replica ng “Alab and Dangal” ear cuff ng Tessera Jewelry na isinuot ni Gray sa prestihiyosong beauty pageant.

Maliban kay Catriona, mayroon na ring wax figure sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Senator at Filipino Boxing champion Manny Pacquiao sa Madame Tussauds Hong Kong.

Read more...